Ipinahayag kahapon ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na masaya ang panig Tsino sa aktibong pagsasanggunian ng Timog at Hilagang Korea tungkol sa pagdaraos ng pagkikita ng mga nawalay na magkakamag-anak at taos-puso itong umaasa na sasamantalahin ng dalawang panig ang pagkakataon para patuloy na magsikap para mapabuti ang relasyon ng magkabilang panig.
Ayon sa ulat, iminungkahi kamakalawa ng T. Korea sa H. Korea na idaos ang pagkikita ng mga nawalay na magkakamag-anak mula ika-17 hanggang ika-22 ng susunod na buwan sa Mount Kumgang. Nauna rito, iniharap naman ng H. Korea ang mungkahi tungkol sa pagpapabuti ng relasyon ng magkabilang panig sa panig ng T.Koreano.