Sa okasyon ng Chinese Lunar New Year, pumunta si Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), Pangulo ng bansa, at Tagapangulo ng Komisyong Militar ng Komite Sentral ng CPC, sa Chinese-Mongolian border para kumustahin ang mga border soldiers na nakatalaga doon. Sa ngalan ng Komite Sentral ng CPC, Konseho ng Estado, at Komisyong Militar ng Komite Sentral ng CPC, ipinadala ng Pangulong Tsino ang taos-pusong pagbati sa naturang border troops. Bumati rin siya ng Manigong Bagong Taon sa mga sundalo at mga opisyal doon.
Magkakasunod na ipinahayag naman ng mga sundalo at opisyal na buong tatag na tumalima sa pamamahala ng Komite Sentral ng CPC, Komisyong Militar ng Komite Sentral ng CPC, at Pangulong Xi, para mapalakas ang depensang panghanggahan ng bansa.
Salin: Li Feng