Nanawagan kahapon si Yingluck Shinawatra, Punong Ministro ng Caretaker Government ng Thailand, sa lahat ng rehistradong botante na lumahok sa botohan sa halalan ng bagong Mababang Kapulungan ng Parliamento ng bansa na gaganapin sa ika-2 ng susunod na buwan.
Sa isang artikulong ipinalabas ni Shinawatra sa Facebook nang araw ring iyon, sinabi niya na ang botohan ay isang pagkakataon para sa lahat ng rehistradong botante ng bansa. Sa pamamagitan ng karapatang ito, puwedeng pagpasiyahan ng lahat ng mamamayang Thai ang kinabukasan ng kanilang bansa.
Salin: Li Feng