Opisyal na humingi ng paumanhin kahapon sa Dietang Hapones si Katsuto Momii, Puno ng Nippon Housou Kyoukai (NHK), hinggil sa kanyang sinabi tungkol sa isyu ng comfort women.
Sa isang preskon bilang pasinaya sa panunungkulan ni Momii bilang Puno ng NHK na idinaos noong ika-25 ng nagdaang buwan, ipinahayag niyang "naging mali ang isyu ng comfort women sa kasalukuyang ideya ng moralidad." Ngunit pagkatapos nito, ipinahayag din niya na ang "pangyayari hinggil sa naturang isyu ay natural na lumilitaw sa alinmang bansa kung saan nagaganap ang digmaan." Nakatawag ng maraming pagbatikos mula sa loob ng Hapon ang naturang pananalita.
Matindi ring kinondena ng Timog Korea ang nasabing pananalita.
Salin: Li Feng