|
||||||||
|
||
Kahapon (ika-31 ng Enero) ay ang unang araw ng Chinese Lunar New Year, at ito rin ang unang araw ng Golden Week ng kapistahang ito. Sinalubong ng tourism market ng bansa ang mainam na simula sa taong 2014.
Ayon sa Pambansang Kawanihan ng Turismo ng Tsina, 275 libong person-time na turista ang natanggap kahapon ng 21 pangunahing purok-panturista ng Beijing.
Sa Shanghai naman, 17 libong person-time na turista ang tinanggap kahapon ng Oriental Pearl TV Tower. Samantala, ang Century Park ay dinayo ng 6.6 libong person-time na turista. Ito ay lumaki ng 160% kumpara sa gayun ding panahon ng nagdaang taon.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |