Ipinasiya kahapon ng Parliamento ng Myanmar na buuin ang komite ng pagsususog sa Konstitusyon, para ibayo pang mapasulong ang gawaing ito.
Nilagdaan nang araw ring iyon ni Shwe Mann, Ispiker ng Mababang Kapulungan ng Parliamento ng Myanmar ang atas hinggil sa pagbuo ng nabanggit na komite na may 40 miyembro.
Ayon sa salaysay, batay sa mga nakolektang palagay hinggil sa pagsususog sa Konstitusyon, ibayo pang pag-aaralan ng naturang komite ang isyung ito. Gagawin nila ang isang ulat at isusumite ito sa Parliamento.
Salin: Liu Kai