Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Thailand, idinaos ang halalan, pero patuloy pa rin ang demonstrasyon

(GMT+08:00) 2014-02-04 16:03:45       CRI
Bagama't idinaos kamakalawa ang halalang parliamentaryo ng Thailand, patuloy pa rin ang demonstrasyong kontra-gobyerno. Ipinalalagay ng mga tagapag-analisa na nananatiling mahirap ang pagpapahupa ng maligalig na kalagayang pulitikal ng Thailand.

Kahapon, isinapubliko ng Lupong Elektoral ng Thailand na 45.8% ang di-opisyal na voting rate ng kasalukuyang halalang parliamentaryo. Sa lahat ng mahigit 90 libong polling station sa buong bansa, mahigit 10 libo ang hindi tumakbo noong araw ng halalan, at karamihan sa mga ito ay nasa katimugan ng Thailand, kung saan malaking bahagi ng mga residente ay kontra-gobyerno. Dahil sa mababang voting rate, ipinahayag ng lupong elektoral na hindi maaring ipalabas ang resulta ng halalan. At dahil naman itinatakda ng batas ng Thailand na ang pagboto ay dapat gawin sa loob ng isang araw, mahirap ding iorganisa ang isa pang pagkakataon para muling idaos ang pagboto. Kaya, posibleng mawalan ng bisa ang naganap na halalan.

Samantala, patuloy pa rin ang demonstrasyong kontra-gobyerno sa Thailand. Sa kasalukuyan, kinukubkob ng mga demonstrador ang pansamantalang tanggapan ni Yingluck Shinawatra, Punong Ministro ng caretaker government ng Thailand. Ipinahayag ni Suthep Thuagsuban, lider ng demonstrasyon, na magpapatuloy sila hanggang magbibitiw sa tungkulin si Shinawatra. Ipinahayag naman ni Ong-art Klampaiboon, pangalawang lider ng Democrat Party, partidong oposisyon ng Thailand, na ang pagdaraos ng caretaker government ng kasalukuyang halalang parliamentaryo sa ilalim ng maigting na kalagayan ay para mapanatili ang kapangyarihan. Kaya aniya, dapat ipatalastas na walang bisa ang halalang ito.

Ipinalalagay ng mga tagapag-analisang Thai na ang kasalukuyang problema sa Thailand ay dinulot ng pagkakasalungatan sa pagitan ng mga elite at lower classes. Anila, nitong halos 20 taong nakalipas, umuunlad ng malaki ang kabuhayan at lipunan ng Thailand, pero hindi naisaayos ang mga sistema ng pulitika, edukasyon, buwis, at iba pa na angkop sa pagbabagong ito, at nagresulta ito sa nabanggit na pagkakasalungatan. Kaya sinabi nilang batay sa kasalukuyang kalagayan, mahirap pa ring pahupain ang maligalig na kalagayang pulitikal ng Thailand.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>