Umalis ngayong araw ng Beijing patungong Sochi ang mga opisyal at working staff ng delegasyong Tsino na kalahok sa 2014 Winter Olympics na idaraos sa naturang lunsod ng Rusya.
Makakasama nila ang mga atletang Tsino na nandoon na sa Sochi. Bukas, idaraos ng delegasyong Tsino sa Sochi Olympic Village ang seremonya ng pagtataas ng pambansang watawat.
Ito ang ika-10 beses na paglahok ng Tsina sa Winter Olympics. Sa kasalukuyan, lalahok ang 139 na atletang Tsino sa 49 na paligsahan. Sa nakaraang 9 na Winter Olympics, natamo ng Tsina ang kabuuang bilang na 9 medalyang ginto, 18 pilak, at 17 tanso, at ang resultang ito ay nasa gitna ng medal tally.