Ipinasiya kahapon ng Democrat Party, partidong oposisyon ng Thailand, na maghaharap sila ng petisyon sa National Anti-Corruption Commission para imbestigahan kung may ginawang labag sa Konstitusyon si Yingluck Shinawatra, Punong Ministro ng caretaker government, at ang kanyang pamahalaan sa pagpapasulong ng naganap na halalan ng mababang kapulungan ng parliamento. Hiniling din ng partidong ito na i-impreach si Shinawatra at kanyang pamahalaan.
Kung ipapasiya ng National Anti-Corruption Commission na may bagay na labag sa Konstitusyon sa halalan ng mababang kapulungan, ipapatalastas na walang bisa ang halalang ito.