|
||||||||
|
||
Sa isang aktibidad na pulitikal kamakalawa, pinabulaanan ni Hyakuta ang Nanjing Massacre, mahalaga ring isyu sa kasaysayan ng World War II. Sinabi rin niyang pamamaslang ang air raid ng tropang Amerikano sa Tokyo at pagbomba sa Hiroshima at Nagasaki noong WWII. Aniya pa, ang "Tokyo Trial" ay para pagtakpan ang mga pamamaslang na ito.
Kaugnay ng nabanggit na pananalita ni Hyakuta, ayaw magkomento kahapon si Yoshihide Suga, Chief Cabinet Secretary ng Hapon. Sinabi niyang ito ay personal na pahayag ni Hyakuta.
Pero, ipinalalagay ng New Komeito Party, isang partido ng naghaharing koalisyon ng Hapon, na lubos na mapanganib ang sinabi ni Hyakuta.
Samantala, sinabi ng mga Japanese media na kasunod ni Momii, ang nabanggit na pananalita ni Hyakuta ay magdudulot pa ng negatibong epekto sa imahe ng public media ng Hapon. Isiniwalat naman ng Jiji Press ng Hapon na malapit ang relasyon ni Hyakuta kay Punong Ministro Shinzo Abe.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |