Bilang tugon sa pagkakaila ni Naoki Hyakuta, board member ng NHK o Japan Broadcasting Corporation sa Nanjing Massacre, sinabi kahapon ni Tagapagsalita Hong Lei ng Ministring Panlabas ng Tsina, na di-mapabubulaanan ang mga katibayan at malinaw ang konklusyon ng komunidad ng daigdig sa naturang pamamslang na isang marahas na krimeng ginawa ng tropang Hapones sa digmaang mapanalakay laban sa Tsina.
Dagdag ni Hong, ang pagtatangka ng iilang tauhan sa loob ng Hapon na pagtakpan at pilipitin ang kasaysayan ng Nanjing Massacre ay lantarang probokasyon sa katarungan ng daigdig at konsiyensiya ng sangkatauhan. Dapat aniyang lubos na mag-ingat ang komunidad ng daigdig dito.