Sa kanyang pananatili sa Sochi, nagsagawa kahapon si Pangulong Xi Jinping ng Tsina, kasama ni Pangulong Vladimir Putin ng Rusya, ng video-call sa mga komander ng mga bapor pandigma ng dalawang bansa na nagbibigay-tulong ngayon sa paghahatid ng mga wawasaking sandatang kemikal ng Syria.
Sa pag-uusap, kinumusta nina Xi at Putin ang mga sundalo sa mga bapor ng dalawang bansa, at ipinahayag ang pag-asang matagumpay nilang ipapatupad ang misyon.
Iniulat naman ng mga komander na Tsino at Ruso ang kalagayan ng kanilang misyon. Sinabi nilang mainam ang kooperasyon ng dalawang panig sa misyong ito, at magpapatuloy sila sa susunod na misyon.