Nakipag-usap kagabi sa Sochi, Rusya, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Thomas Bach, Pangulo ng International Olympic Committee (IOC).
Sinabi ni Xi na ang kanyang pagdalo sa seremonya ng pagbubukas ng Sochi Winter Olympics ay nagpapakita ng pagpapahalaga at pagkatig ng pamahalaang Tsino sa Olympic Movement.
Ipinahayag din niyang gusto ng Tsina na maging bansang malakas sa palakasan. Dagdag niya, nagbibid na ang Tsina para sa pagtataguyod ng 2022 Winter Olympics, at makakatulong ito sa paglaganap at pag-unlad ng winter sports sa bansa.
Binigyan naman ni Bach ng mataas na pagtasa ang mga natamong bunga ng Tsina sa usapin ng palakasan, at nananalig aniya siyang magiging bansang malakas sa palakasan ang Tsina. Ipinahayag din ni Bach na sa pamamagitan ng matagumpay na pagtataguyod ng 2008 Beijing Olympics, nagbigay ang Tsina ng malaking ambag sa Olympic Movement.