Ipinatalastas kahapon ng tropang Amerikano sa Hapon na sa Pebrero ng taong 2015, itatalaga nito ang pinakabagong amphibious transport dock ship na may code name na USS Green Bay sa Sasebo Naval Base sa Nagasaki, Hapon.
Ayon sa isang opisyal ng tropang Amerikano, ang pagtatalaga ng bapor na ito ay para halinhan ang isang katulad na bapor na USS Denver na tatanggalin sa serbisyo sa Setyembre ng taong ito. Aniya pa, patuloy na maglilingkod ang USS Green Bay para sa pangangalaga sa katiwasayan sa Asya-Pasipiko at pagtatanggol sa Hapon.