Sinabi kahapon ni Sigrid Kaag, Special Coordinator ng Joint Mission ng Organization for the Prohibition of Chemical Weapons at United Nations sa pagwawasak ng mga sandatang kemikal ng Syria, na bagama't hindi nakaabot ang Syria sa taning para alisin sa bansa ang lahat ng mga sandatang kemikal, ipinalalagay pa rin niyang matutupad ang pinal na taning na wasakin ang mga sandatang kemikal ng Syria bago ang huling araw ng darating na Hunyo ng taong ito.
Dagdag ni Kaag, ginagawa ng kanyang joint mission ang isang plano para pabilisin ang paghahatid ng mga sandatang kemikal, at ang pamahalaan ng Syria ay nakikipagkoordina rin sa kanila.
Sinabi rin ni Kaag na hindi niya ipinalalagay na sinasadyang inaantala o hinahadlangan ng pamahalaan ng Syria ang gawain ng pagwawasak ng mga sandatang kemikal. Aniya, naaapektuhan ang gawaing ito ng problema sa paghahatid, technical challenges, at di-matatag na kalagayan sa loob ng Syria, pero tuluy-tuloy pa rin itong isinasagawa.