Pumunta kahapon sa Bangkok ang maraming magsasaka mula sa ilang lalawigan sa gitna ng Thailand, bilang protesta sa pag-aantala ng pamahalaan ng pagbabayad sa pagbili ng kanilang bigas. Anila pa, sasama sila sa demonstrasyong kontra-gobyerno.
Sa kasalukuyan, dapat bayaran ng pamahalaang Thai ng 130 bilyong Thai Baht o halos 4.3 bilyong Dolyares na utang ang halos isang milyong magsasaka. Ipinahayag ni Punong Ministro Yingluck Shinawatra ng caretaker government, na sinusubok ng kanyang pamahalaan ang iba't ibang paraan para mangalap ng pondong ito. Pero aniya, limitado ang kapangyarihan ng caretaker government, kaya nahihirapan sila sa paglalaan ng pondo.
Samantala, ipinahayag ni Suthep Thuagsuban, lider ng demonstrasyong kontra-gobyerno, ang pagkatig sa mga magsasaka sa pagprotesta sa pamahalaan. Nanawagan din siya sa mga demonstrador na mag-abuloy sa mga magsasaka, para makahulagpos sila sa kahirapan.