|
||||||||
|
||
Ipinatalastas kahapon ni Pangulong Vladimir Putin ng Rusya ang pagbubukas sa Sochi ng ika-22 Winter Olympics.
Dumalo naman sa seremonya ng pagbubukas si Pangkalahatang Kalihim Ban Ki-moon ng UN, at mga lider ng mahigit 40 bansa ng daigdig na kinabibilangan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina.
Kalahok sa kasalukuyang Winter Olympics ang mahigit tatlong libong atleta mula sa 87 bansa at rehiyon, kabilang dito ang 66 na atletang Tsino.
Tatagal ng 16 na araw ang Sochi Winter Olympics, at ipipinid ito sa ika-23 ng buwang ito.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |