Kinumpirma kahapon ng UN na batay sa nakatakdang iskedyul, idaraos sa ika-10 ng buwang ito, sa Geneva, Switzerland ang ika-2 round ng talastasan ng ika-2 pandaigdig na pulong hinggil sa isyu ng Syria. Inaasahang tatagal ng isang linggo ang talastasang ito.
Sinabi ng tagapagsalita ng tanggapan ng UN sa Geneva na nakahandang lumahok sa kasalukuyang round ng talastasan ang kapwa pamahalaan at paksyong oposisyon ng Syria. Aniya, kinuha na ng UN ang listahan ng delegasyon ng pamahalaan ng Syria, at mamumuno sa delegasyong ito si Walid Muallem, Pangalawang Punong Ministro at Ministrong Panlabas ng Syria. Pero, wala pang listahan ng delegasyon ang paksyong oposisyon.