Dahil sa pansamantalang tigil-putukan na isinasagawa ng pamahalaan at paksyong oposisyon ng Syria, nagsimulang lumikas kahapon mula sa Homs, isang pangunahing lunsod ng digmaang-sibil ng Syria, ang mga sibilyang na-istranded doon. Ihahatid sila sa mga lugar na kontralado ng pamahalaan.
Kinumpirma naman ng UN ang paglisan ng Homs ng 83 sibilyan. Ipinahayag ni Valerie Amos, Pangalawang Pangkalahatang Kalihim ng UN ang kanyang pagtanggap sa pangyayaring ito. Sinabi niyang ito ay breakthrough sa usapin ng makataong tulong sa Syria.
Tinatayang na-istranded sa Homs ang halos tatlong libong sibilyan. Ayon pa rin sa UN, sa susunod na ilang araw, lilisan ng Homs ang marami pang sibilyan, at ihahatid naman ng UN ang mga tulong na materyal sa lunsod na ito.