Ipinasiya kahapon ng Lupong Elektoral ng Thailand na muling buksan ang 671 polling station sa buong bansa para sa pagboto sa mababang kapulungan. Pero, hindi nito itinakda ang petsa ng pagbubukas ng nasabing mga polling station.
Sa halalan ng mababang kapulungan ng Thailand na idinaos noong ika-2 ng buwang ito, dahil sa paghahadlang ng mga demonstrador at kakulungan sa working staff at polling machine, hindi tumakbo ang mahigit sampung libong polling station. Ang nabanggit na 671 polling station ay bahagi ng mga ito.
Pagkatapos ng pagsusuri, ipinalalagay ng lupong elektoral na handang-handa na ang naturang mga polling station para sa pagboto, kaya ipinasiya nilang muling buksan ang mga ito.