Ipinahayag kahapon ni Pharadorn Phattanatabut, Puno ng National Security Council ng Thailand, na sinabi kamakailan ng mga grupong kontra sa pamahalaan na aabot hanggang sa Songran Festival ang demonstrasyon. Pero, idinagdag niyang ito ay para pasiglahin lamang ang humihinang morale ng mga demonstrator. Aniya pa,dapat ipaalam ng caretaker government sa mga demonstrator na di-lehitimo ang paglahok sa demonstrasyong ito.
Sinabi ni Phattanatabut na pagkaraang iblokeyo ng pamahalaan ang ruta para sa pagkakaloob ng pagkain at iba pang materyal sa grupong kontra sa pamahalaan, at mahihirapan na silang magsagawa ng demonstrasyon sa labas ng takdang rehiyon, mahihirapan din aniya silang ipagpatuloy ang mga aktibidad na gaya nito.