Nagpalabas kahapon ng artikulo si Guan Huabing, Embahador ng Tsina sa Laos, bilang pagbatikos sa pagbibigay-galang ni Punong Ministro Shinzo Abe ng Hapon sa Yasukuni Shrine, kung saan nakadambana ang 14 na Class-A War Criminals noong World War II (WWII).
Anang artikulo, noong WWII, sinalakay ng Hapon ang Timog-silangang Asya, at nagdulot ito ng malaking kapinsalaan sa Laos, Biyetnam, Pilipinas, Malaysia, at marami iba pang bansa sa rehiyong ito. Anito, ang esensya ng pagbibigay-galang ni Abe sa Yasukuni Shrine ay pagtatangka ng Hapon na ipagkaila at pagandahin ang naturang kasaysayan. Hindi ito matatanggap ng mga bansang Asyano na minalas sa pananalakay ng Hapon, at mga iba pang bansa ng daigdig na may pagpapahalaga sa hustisya.
Dagdag ng artikulo, may karapatan ang Hapon sa karapat-dapat na pag-unlad, pero ang paunang kondisyon dito ay tumpak na pakikitungo ng Hapon sa kasaysayan ng pananalakay at pagsasabalikat ng responsibilidad sa kasaysayang ito.
Salin: Liu Kai