"Sa kasalukuyan, higit sa 20 bansa sa daigdig ang nagtatag ng Air Defense Identification Zone(ADIZ). Ang Amerika ang kauna-unahang bansa na nagtatag ng ADIZ 60 taon na ang nakararaan. Kung nagawa nila ito, bakit hindi puwede ang Tsina?" Ito ang ipinahayag kahapon ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina bilang tugon sa pahayag kamakailan ng panig militar ng Amerika na ang pagtatag ng ADIZ ng Tsina sa East China Sea ay aksyong probokatibo, na posibleng humantong sa pag-igting ng alitan sa teritoryo.
Sinabi ni Hua na positibo ang Tsina sa pangangalaga sa kapayapaan at katatagan ng rehiyon, at nakahanda itong magsikap para lutasin ang mga may kinalamang problema sa pamamagitan ng diyalogo. Samantalang aniya, ang pagtatatag ng ADIZ ay lehitimong karapatan ng Tsina, bilang isang malayang bansa.