|
||||||||
|
||
NAMUNO na naman ang Order of Malta sa pagdiriwang ng "World Day of the Sick" kasabay ng kapistahan ng Birhen ng Lourdes, sa paglilingkod sa mga maysakit.
Pinamunuan nila ang pagdiriwang sa Espiritu Santo Parish Church sa Sta. Cruz, Maynila kahapon. Ang pagdiriwang na ito ay sinimulan may 22 taon na ang nakalilipas sa pamumuno ni Beato Pope John Paul II upang makiisa ang madla sa pagdarasal para sa mga maysakit at sa mga nag-aalaga sa kanila.
Mula noong 1993, taun-taon nang ipinagdiriwang ang kapistahang ito na may diin sa takdang panahon para sa pananalangin, pakikibahagi at pakikiisa sa mga naghihirap.
Pinili niya ang kapistahan ng Birhen ng Lourdes sapagkat maraming mga pilgrim at dumadalaw sa Lourdes sa Francia ang nabalitang gumaling sa tulong ng Mahal na Birhen. Kahapon din ginunita ang pagbibitiw ni Pope Benedict XVI.
Ang Sovereign Military Order of Malta, kasama ang Arkedisyosesis ng Maynila ang bumuo ng Holy Mass for the Sick. Pinamunuan ni Cecilia Piñones, executive secretary ng Philippine Association of the Order of Malta at nagsabing matagal na silang tumutulong sa mga may karamdaman bago pa man ipinagdiwang ang World Day of the Sick.
Bukod sa libreng pagkokonsulta, nagbigay din sila ng psycho-spiritual counseling.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |