|
||||||||
|
||
Winika ito ni Kerry sa magkasanib na preskon na idinaos nila ni Ministrong Panlabas Yun Byung-se ng T.Korea.
Ipinahayag niyang buong pagkakaisang sinasang-ayunan ng Amerika at T.Korea na isakatuparan ang pagkakaroon ng Korean Peninsula na ligtas sa sandatang nuklear, at umaasa silang susundin ng H.Korea ang mga kasunduan hinggil dito.
Sinabi rin ni Kerry na wala pang pagsisikap na ginagawa ng H.Korea para sa usaping ito, kaya hindi pa makikipagdiyalogo ngayon ang Amerika sa H.Korea. Dagdag pa niya, mapapanumbalik lamang ang Six-Party Talks, kung ipapakita ng H.Korea ang katapatan sa pagsasakatuparan ng Korean Peninsula na ligtas sa sandatang nuklear, sa pamamagitan ng aktuwal na aksyon.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |