Nanawagan kahapon si Prayuth Chan-ocha, Commander-in-Chief ng Royal Thai Army, sa iba't ibang panig ng bansa na manatiling mahinahon, at huwag gamitin ang dahas.
Winika ito ni Chan-ocha sa kanyang pakikipagtagpo kay Yingluck Shinawatra, Punong Ministro ng caretaker government ng Thailand. Sinabi niyang walang pinapanigan ang panig militar sa kasalukuyang krisis na pulitikal. Pero aniya, kung gagamitin ng alinmang panig ang sandata, mapipilitang makialam ang tropang panseguridad.
Sa pagtatagpong ito, muling binigyang-diin ni Shinawatra na ang pambansang halalan ang siyang tanging solusyon sa kasalukuyang krisis na pulitikal. Dagdag niya, dapat buuin, sa lalong madaling panahon ang bagong pamahalaan, para malutas ang mga problema ng bansa.
Salin: Liu Kai