Sinabi kahapon ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang layunin ng proposal ng Tsina para itatag ang Maritime Silk Road ay patingkarin ang kahalagahan ng sinaunang Silk Road sa pagpapasulong ng kooperasyon sa bagong panahon. Ipinagdiinan niyang bukas ang Tsina sa proposal na ito at inaasahan din ng Tsina ang mga mungkahi tungkol dito ng ibang bansa.
Ayon kay Hua, sang-ayon ang Tsina at Sri Lanka sa pagpapasulong ng pagtatatag ng Maritime Silk Road sa Ika-21 Siglo. Ang kapasiyahan ay ginawa kamakailan sa pagtatagpo dito sa Beijing ni Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina at Gamini Lakshman Peiris, dumadalaw na Ministrong Panlabas ng Sri Lanka. Ang layunin ng proposal ay para maisakatuparan ang magkakasamang kaunlaran at kasaganaan ng rehiyon sa pamamagitan ng kooperasyon, tulad ng natutuhan ng mga bansa mula sa isa't isa, sa kahabaan ng sinaunang Silk Road. Kabilang sa pagtutulungang ito ay ang pag-uugnayang pandagat, kooperasyong pangkabuhayan, kooperasyong panteknolohiya, pangangalaga sa kapaligiran, pagpapahupa ng kapinsalaang dulot ng kalamidad at pangingisda.
Salin: Jade