Ipinahayag kahapon ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, na magpapadala ang kanyang bansa ng delegasyon para lumahok sa talastasan hinggil sa komprehensibong kasunduan sa isyung nuklear ng Iran. Magdaraos ng talastasang ito ang Iran, kasama ng anim na bansa na kinabibilangan ng Amerika, Britanya, Pransya, Rusya, Tsina, at Alemanya sa malapit na hinaharap.
Dagdag pa ni Hua, umaasa ang Tsina na sa pamamagitan ng talastasang ito, makikita ang isang komprehensibong solusyon sa isyung nuklear ng Iran na angkop sa pandaigdig na sistema ng di-pagpapalaganap ng nuklear, at makakabuti sa kapayapaan at katatagan ng Gitnang Silangan.