Kapwa inamin kahapon ng pamahalaan at paksyong oposisyon ng Syria na hanggang sa kasalukuyan, wala pang progreso ang kanilang ikalawang round ng talastasan na idinaraos sa Geneva.
Ayon sa pagsisiwalat, may pagkakaiba ang dalawang panig sa isyung may priyoridad para sa paglutas ng krisis ng Syria. Ipinalalagay ng pamahalaan ng Syria na dapat magsimula ito sa pagbibigay-wakas sa karahasan at pagbibigay-dagok sa terorismo. Pero, gusto ng paksyong oposisyon na buuin muna ang organong mamamahala sa transisyon ng bansa. Dahil dito, walang natamong bunga ang kasalukuyang talastasan.