Magkahiwalay na nakipagtagpo kahapon sa Beijing sina Premyer Li Keqiang at State Councilor Yang Jiechi ng Tsina kay John Kerry, Kalihim ng Estado ng Amerika.
Sa kanilang pagtatagpo, tinalakay nina Li at Kerry ang kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at Amerika. Umaasa si Li na pasusulungin ng dalawang bansa ang talastasan hinggil sa kasunduan sa bilateral na pamumuhunan, at palalakasin ang kooperasyon sa enerhiya, pangangalaga sa kapaligiran, at iba pa.
Nagpalitan naman ng palagay sina Yang at Kerry hinggil sa relasyong Sino-Amerikano. Umaasa rin silang palalakasin ng dalawang bansa ang kooperasyon sa pagharap sa mga mahalagang isyu ng daigdig.