|
||||||||
|
||
Idineklare kahapon ng hapon ng lider ng mga demonstrador na nasa Government House ng Thailand, na walang bunga ang kanilang pakikipagtalastasan sa kinatawan ng Center for Maintaining Peace and Order (CMPO).
Anang lider ng demonstrador, hindi niya tinanggap ang mga kahilingan ng CMPO.
Ipinahayag ng panig demontrador na dapat igarantiya ng CMPO ang kaligtasan ng mga demonstrador kung hihilingin nitong buksan ang lansangan na malapit sa nasabing protest site.
Ngunit, nitong nakalipas na ilang araw, madalas na naganap sa protest site ang karahasan. Kaya, nagdesisyon ang mga demonstrador na huwag sumang-ayon sa kahilingang natura.
Sa kabilang dako, ipinahayag naman ng CMPO na ang pagboblokeyo sa lansangan ay malubhang nakakaapekto sa paglalakbay ng mga mamamayan. Anito pa, dahil walang bunga ang nasabing talastasan, muling isasagawa ang isa pang pag-uusap.
Binigyan-diin ng CMPO, na sa panahon ng pag-uusap, hindi nito ide-deploy ang mga pulis sa protest site para itaboy ang mga demonstrador.
Salin: Andrea
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |