|
||||||||
|
||
Sinimulan ngayong araw ng pulis ng Thailand na buwagin ang hanay ng mga demonstrador sa mga protest sites. Mahigit 100 demonstrador ang inaresto. Sa sagupaan, tatlong tao ang namatay at mahigit 59 ang nasugatan.
Sa kasalukuyan, kontrolado na ng pulis ang lugar na malapit sa Departamento ng Enerhiya.
Nang araw ring iyon, patuloy na isinagawa ng mga magsasaka ang demonstrasyon sa iba't ibang lugar ng bansa. Hiniling nilang magbayad ang Caretaker Government ng utang sa proyekto ng bigas. Nagtalumpati sa TV si Yingluck Shinawatra, Punong Ministro ng Caretaker Government, para magbala na huwag pagsamantalahan ng oposisyon ang mga magsasaka para matupad ang sariling layuning pulitikal. Nangako siyang tiyak na magbabayad ang pamahalaan ng utang.
Salin: Andrea
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |