|
||||||||
|
||
Umaasa si Xi na magkasamang magsisikap ang magkabilang pampang, para matamo ang mas maraming bunga sa mapayapang pag-unlad ng kanilang relasyon, at maisakatuparan ang pag-ahon ng nasyong Tsino.
Binigyang-diin din ni Xi tinatanggap ng mainland ang lahat ng mga kababayang Taywanes na lumahok sa usapin ng mapayapang pagpapaunlad ng relasyon ng magkabilang pampang, kung mayroon silang kahandaan.
Ipinahayag naman ni Lien na sapul nang magdiyalogo ang CPC at KMT noong 2005, lumitaw ang mabuting tunguhin ng mapayapang pag-unlad ng relasyon ng magkabilang pampang. Aniya, dapat igiit ng magkabilang pampang ang landas na ito, para ibayo pang patatagin at paunlarin ang kanilang relasyon.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |