|
||||||||
|
||
Nang araw ring iyon, sinabi ng tagapagsalita ng High Representative for Foreign Affairs and Security Policy ng Unyong Europeo, na walang ekspektasyon na mararating sa kasalukuyang talastasan ang pinal na kasunduan sa paglutas ng isyung nuklear ng Iran. Aniya, ang target ngayon ay gawin ang balangkas para sa mga talastasan sa hinaharap.
Tiniyak din ni Pangalawang Ministrong Panlabas Abbas Araqchi ng Iran na hindi magkakaroon ng komprehensibong kasunduan sa kasalukuyang talastasan. Aniya, ang pangunahing tungkulin ng talastasang ito ay pagtatakda ng agenda para sa paglutas sa isyung nuklear.
Nauna rito, ipinahayag naman ng ilang diplomatang kalahok sa talastasan na masalimuot ang isyung nuklear ng Iran, kaya maliit ang posibilidad na marating ang isang komprehensibong solusyon sa pamamagitan ng kasalukuyang talastasan.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |