Sa panahon ng kanyang paglahok sa Vienna sa pandaigdig na pulong hinggil sa isyung nuklear ng Iran, inilahad ni Li Baodong, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina, ang limang mungkahi ng kanyang bansa sa komprehensibong paglutas ng isyung ito.
Ang limang mungkahi ay: una, igiit ang diyalogo sa pagitan ng Iran at anim na bansa na kinabibilangan ng Amerika, Britanya, Pransya, Rusya, Tsina, at Alemanya. Ikalawa, magkaroon ng isang komprehensibo, pantay-pantay, makatwiran, at pangmatagalang solusyon. Ikatlo, kapwa magsagawa ang Iran at anim na bansa ng mga hakbanging makakabuti sa paglutas sa isyu. Ikaapat, lumikha ng magandang atmospera para sa talastasan. At ikalima, habang hinahanap ang solusyon sa isyung nuklear, pauunlarin din ang konstruktibong relasyon sa Iran.
Salin: Liu Kai