Patuloy ang pagpuna ng mga media ng Hapon sa mga maling pananalita ng dalawang bagong mataas na opisyal ng NHK o Japan Broadcasting Corporation hinggil sa isyu ng kasaysayan. Sinabi minsan ni Director-General Katsuto Momii ng NHK na karaniwang bagay sa panahon ng digmaan ang pamimilit sa mga babae na maging "comfort women," at sinabi naman ni Board Member Naoki Hyakuta na walang katibayan na nangyari ang Nanjing Massacre.
Kaugnay nito, tinukoy ng pahayagang Tokyo Shinbun, na ang naturang mga pananalita ay nagdudulot ng pagduda sa kuwalipikasyon ng nabanggit na dalawang tao, bilang namamahalang tauhan ng isang public media. Sinabi naman ng pahayagang Nihon Keizai Shimbun na ang dalawang opisyal na ito ay pinili ni Punong Ministro Abe Shinzo, at ito ang dahilan kung bakit sumusuporta sila sa mga ideya ng pamahalaan. Anito pa, ang ganitong paraan ng pagpili ay makakapinsala sa pagiging public media ng NHK at kasarinlan nito.
Salin: Liu Kai