Ipinahayag kahapon sa Jarkata ni M.Hatta Rajasa, Coordinating Minister for Economic Affairs ng Indonesia, na natapos na ng kanyang pamahalaan ang halos 80% ng mga gawain para sa pagsasakatuparan ng ASEAN Economic Community (AEC). Ayon sa pagtaya, matatapos aniya ang nalalabing paghahanda bago magtapos ang kasalukuyang taon.
Sinabi ni Hatta na sa kasalukuyan, ang pangunahing problema na kinakaharap ng iba't-ibang bansang ASEAN ay mahinang imprastruktura. Upang mapabuti ang paghahanda para sa pagtatayo ng AEC, dapat patuloy na palakasin ng kanyang bansa ang mga proyekto ng imprastruktura para mapataas ang episiyensya ng lohistiko at mapalakas ang kakayahang kompetitibo sa pamilihan.
Salin: Li Feng