Matatapos sa katapusan ng buwang ito ang proyekto ng pamahalaan ng Thailand sa pagbili ng bigas mula sa mga lokal na magsasaka sa mataas na presyo, at ipinasiya ng pamahalaan na ibenta ang mga bigas sa pamilihan. Ang pangyayaring ito ay nakatawag ng malaking pansin sa mga bansang nakapaligid.
Ayon sa ulat kahapon ng Ministri ng Kalakalan ng Indonesya, may mga indikasyong malaking bolyum ng bigas mula sa Thailand ang ibebenta sa Indonesya. Pero, wala pang detalye hinggil dito.
Ayon naman sa organong pangkalakalan ng Kambodya, sa kasalukuyan, itinigil na ng mga malaking mamimili sa daigdig ang pagbili ng bigas, at hinihintay nila ang pagbebenta ng bigas-Thailand sa mababang presyo. Anang organo, nagdudulot ito ng malaking epekto sa sales volume ng mga bansang nagluluwas ng bigas na gaya ng Kambodya.
Salin: Liu Kai