|
||||||||
|
||
Dumating na ngayong araw sa Laiza ng Kachin, sa dakong hilaga ng Myanmar ang mga tulong na materyal na mula sa ng Red Cross Society ng Tsina(RCSC). Ang ika-21 ng Pebrero ay tradisyonal na kapistahan sa lokalidad, kaya, ang nasabing tulong ay naging isang regalo para sa araw na ito.
Sa seremonya ng paglilipat, ipinahayag ni Sun Shuopeng, lider ng RCSC, na sa kahilingan ng kanilang counterpart sa Myanmar, ito ang kauna-unahang pagkakataong ipagkakaloob ng RCSC ang makataong tulong sa mga taong nawawala ang bahay sa rehiyon ng Kachin sa Myanmar.
Ipinahayag naman ni Labang Dwibisa, namamahalang tauhan sa panig ng Kachin na taos-puso nilang pinasasalamatan ang tulong ng RCSC. Hanggang sa kasalukuyan, mayroong 22 evacuation center sa rehiyon ng Laiza at umabot sa 50 libo ang mga taong nawalan ng matutuluyan. Ang RCSC ay makapagbibigay ng mga materyal sa mga pamilyang kailangang kailangan ang tulong.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |