|
||||||||
|
||
NATAGPUAN na umano ang dalawang Filipina-Algerian filmmakers na dinukot ng mga Abu Sayyaf noong nakalipas na Hunyo, 2013. Natagpuan sina Nadjoua at Linda Bansil ng mga kawal ng Philippine Marines sa Patikul, Sulu.
Sinabi ni C/Supt. Reuben Theodore Sindac, tagapagsalita ng Philippine National Police na nakatakas ang magkapatid at 'di nagtagal ay nabawi ng mga kawal ng Philippine Marines. Sa mga taong nakababatid ng mga negosasyon, panahon na lamang ang hinihintay upang makalaya ang magkapatid.
Nakatakda na silang dalhin sa pagamutan ng Philippine Marines bago dalhin sa Zamboanga City. Ayon sa malapit na kaibigan ng magkapatid, malamang na bukas na makararating ang dalawa sa Zamboanga City.
Sa panig ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas, sinabi ni Lt. Col. Ramon Zagala na nabawi ang magkapatid mga ika-lima ng umaga sa Sitio Kantatang, Barangay Buhanginan, Patikul, Sulu.
Nagtungo ang magkapatid upang magpelikula ng kahirapan ng mga magsasaka sa mga kapehan. Matagal nang gumagawa ng mga pelikula ang magkapatid na ang karaniwang paksa ay buhay ng mga Muslim sa Pilipinas.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |