|
||||||||
|
||
Si Prime Minister Bishop ang kauna-unahang foreign minister na babae sa Australia ang sinamahan ni Australian Minister for Trade and Investment Andrew Robb, New South Wales Premier Barry Robert O'Farrel and Australian Ambassador to the Philippines Bill Tweddell.
Dumalo rin sina Foreign Affairs Secretary Albert F. Del Rosario at Trade and Industry Secretary Gregory Domingo, Philippine Ambassador to Australia Belen Anota at Trade Undersecretary Adrian Cristobal, Jr.
Nasa Pillipinas sina Minister Bishop para sa paglulunsad ng ASEAN-Australia 40th Anniversary Commemoration sa The Peninsula Hotel kagabi.
Bagama't matagumpay na ang relasyon ng ASEAN at Australia sa nakalipas na 40 taon, mas maraming mga pagkakataong higit na mapaganda at madagdagan ang regional integration sa pagkakaroon ng ASEAN Community sa 2015.
Dumalo rin sa paglulunsad si ASEAN Secretary-General Le Luong Minh.
Naging paksa sa pag-uusap ang mga isyung may kinalaman sa seguridad, kultura, kalakal, edukasyon, mga palatuntunang pangkaunlaran at people-to-people exchanges.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |