|
||||||||
|
||
Sa kanyang pakikipag-usap kay Daniel Kritenbrink, charge d'affaires ng Embahada ng Amerika sa Tsina, sinabi ni Zhang Yesui, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina, na lubos na ikinapopoot at buong tatag na tinututulan ng kanyang bansa ang naturang aksyon ni Obama. Aniya, dahil sa aksyong ito, nakikialam ang Amerika sa suliraning panloob ng Tsina, at nakakapinsala sa relasyong Sino-Amerikano. Dagdag niya, ang pakikipagtagpo ni Obama kay Dalai, pinuno ng seperatistang puwersang nanininidigan sa pagsasarili ng Tibet, ay taliwas sa pangako ng Amerika na kikilalanin ang Tibet bilang bahagi ng Tsina at hindi kakatigan ang pagsasarili ng Tibet.
Sinabi naman ni Cui Tiankai, Embahador ng Tsina sa Amerika, na ang pagsasaalang-alang sa mga nukleong interes at malaking pagkabahala ng isa't isa ay susi sa paggarantiya sa malusog at matatag na pag-unlad ng relasyong Sino-Amerikano. Dagdag niya, may kinalaman ang isyu ng Tibet sa nukleong interes ng Tsina, at hindi dapat manghimasok ang Amerika sa isyung ito.
Sa panig naman ng Amerika, pagkatapos ng nabanggit na pagtatagpo, nagpalabas ng pahayag ang White House na nagsasabing kinakatigan ni Obama ang pangangalaga sa natatanging tradisyong panrelihiyon, pangkultura, at panwika, at karapatang pantao ng Tibet. Hinimok din ni Obama ang pamahalaang Tsino at si Dalai na magsagawa ng direktang diyalogo, para malutas ang hidwaan.
Hinirang naman ng Kagawaran ng Estado ng Amerika si Sarah Sewall, Pangalawang Kalihim ng Estado, bilang espesyal na tagapagkoordina sa isyu ng Tibet. Anito, magsisikap si Sewall para mapasulong ang pagsasagawa ng pamahalaang Tsino ng substansyal na pakikipagdiyalogo kay Dalai o kanyang kinatawan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |