Nagpulong kahapon ang Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina, kung saan tinalakay nito ang government work report na isusumite sa gagawing taunang sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC) ng Tsina.
Nilagom sa pulong ang mga gawain noong isang taon. Iniharap din sa pulong na ang mga pokus ng gawain sa taong ito na kailangang ilagay sa naturang ulat ay kinabibilangan ng pagpapanatili ng pag-unlad ng kabuhayan at lipunan, pagpapalalim ng reporma, pagpapasulong ng modernisasyon ng agrikultura, pagpapaunlad ng edukasyon, pagpapalakas ng pagpigil sa polusyon, at iba pa.
Salin: Liu Kai