Ipinahayag kahapon ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina na bilang signatoryong bansa ng Treaty on the Non-Proliferation of Nuclear Weapons (NPT), dapat tumpak na sundin ng Hapon ang kasunduang ito, at tupdin ang pangako nitong hindi magkaroon ng sandatang nuklear.
Winika ito ni Hua bilang tugon sa sinabi kamakailan ni Toshio Tamogami, isang rightwing politician ng Hapon na dapat magkaroon ang kanyang bansa ng sandatang nuklear, para maging bansang may malaking impluwensiya sa pandaigdig na pulitika.
Salin: Liu Kai