Nakipagtagpo kahapon ng hapon sa Beijing si Pemyer Li Keqiang ng Tsina kay Presidente Nguyen Thien Nhan ng Vietnam Fatherland Front.
Tinukoy ni Li na bilang mahalagang magkapitbansa at magkatuwang, dapat pasulungin ng Tsina at Biyetnam ang kooperasyon sa dagat, lupa, at pinansyo. Umaasa rin siyang isasagawa ng dalawang bansa ang magkakasamang paggagalugad sa mas malaking lugar sa South China Sea, at maayos na hahawakan ang pagkakaiba sa pamamagitan ng talastasan at pagsasanggunian, para mapangalagaan ang kapayapaan at katatagan sa South China Sea.
Ipinahayag naman ni Nguyen na nakahanda ang Biyetnam, kasama ng Tsina, na ipatupad ang mga narating na kasunduan, para matamo ang mas malaking bunga sa kooperasyong pandagat, panlupa, at pinansyal.
Salin: Liu Kai