|
||||||||
|
||
Kahapon, idinaos ng pamahalaang Hapones ang kinauukulang pulong para kumpirmahin ang burador ng Pundamental na Plano hinggil sa Enerhiya. Sa pulong, ipinaliwanag ng Hapon na ang lakas-nuklear ay "base-load power supply", at ipinasiya rin ng Hapon na ipagpapatuloy ang plano hinggil sa muling pagsisimula ng nuclear power plant.
Sa kasalukuyan, sa loob ng Hapon, malaki ang pagkakaiba hinggil sa muling pagsisimula o hindi ng nuclear power plant, at kinakaharap ng pamahalaan ng Hapon ang malaking presyur. Ipinalalagay ng ilang tagapag-analisa na umaasa ng pamahalaang Hapones na sa pamamagitan ng naturang mga kapasiyahan, maaaring pagaanin ang presyur mula sa paksyong oposisyon.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |