Kaugnay ng paglilipat ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas sa Western Command (WESCOM) ng umano'y jurisdiction sa Huangyan Islands, sinabi ngayong araw ni Tagapagsalita Yang Yujun ng Ministri ng Tanggulang Bansa ng Tsina, na walang katwiran at walang saysay ang aksyong ito ng Pilipinas.
Sinabi ni Yang na di mapabubulaan ang soberanya ng Tsina sa Huangyan Islands, at matatag na pangangalagaan ng bansa ang sariling teritoryo at soberanya. Dagdag ni Yang, tinututulan ng Tsina ang anumang pananalita o aksyong magpapasalimuot at magpapalala sa situwasyon.
Salin: Liu Kai