|
||||||||
|
||
Sa Naypyitaw — Nakipagtagpo si Pangulong Thein Sein ng Myanmar sa delegasyong pangkaibigan ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) na pinamumunuan ng Pangalawang Ministro ng Departamentong Pandaigdig ng Komite Sentral ng CPC na si Ai Ping.
Ipinahayag ni Thein Sein na lubos na pinahahalagahan ng kanyang bansa ang pagpapaunlad ng relasyon sa Tsina. Nakahanda aniya ang Myanmar na ibayo pang palakasin ang pagpapalagayan ng dalawang pamahalaan, partido, at mga mamamayan para mapasulong ang pagkakaibigan ng dalawang bansa.
Ipinahayag naman ni Ai Ping ang kahandaan ng panig Tsino na magsikap kasama ng Myanmar, para mapalalim ang pagtitiwalaang pulitikal, at mapalakas ang pagpapalitan ng dalawang partido.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |