|
||||||||
|
||
Si Jay Carney, Tagapagsalita ng Kagawaran ng E.U.
Kaugnay ng isinasagawang pagsasanay militar ng Rusya sa hanggahan nila ng Ukraine, sinabi kahapon ni Tagapagsalita Jay Carney ng Kagawaran ng Estado ng Amerika, na buong higpit na sinusubaybayan ng kanyang bansa ang naturang pagsasanay. Anya pa, umaasa ang Amerika na mapapanatili ng Rusya ang transparency ng pagsasanay na ito, at maiiwasan ang probokatibong aksyon.
Samantala, sa kanya namang pakikipag-usap sa telepono kay John Kerry, Kalihim ng Estado ng Amerika, binigyang-diin kahapon ni Ministrong Panlabas Sergey Lavrov ng Rusya na ang pinakamahalaga sa kasalukuyan ay maigarantiya ang pagpapatupad ng kasunduan sa paglutas sa krisis na nilagdaan ng iba't ibang panig ng Ukraine noong ika-21 ng buwang ito.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |