Kaugnay ng ulat ng Philippine media na nagsasabing iniharap ng Tsina ang kondisyong umurong ito mula sa Huangyan Islands st dagdagan ang pamumuhunan sa Pilipinas, para bawiin ng Pilipinas ang international arbitration hinggil sa hidwaan sa South China Sea, sinabi ngayong araw ni Tagapagsalita Qin Gang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na hindi totoo ang ulat na ito. Aniya, hindi-hinding kakalakalin ng Tsina ang sariling soberanya at teritoryo.
Dagdag pa ni Qin, pagdating sa naturang international arbitration ng Pilipinas, hindi magbabago ang paninindigan ng Tsina na tinututulan ito at hindi tinatanggap.
Salin: Liu Kai